Directgov
Makakatingin ka at makakukuha ng impormasyon mula sa isang malawak na sakop ng mga departamento ng pamahalaan.
Trades Union Congress (TUC) (Kongreso ng Samahan ng mga Industriya)
Kumakatawan sa mga taong nagtatrabaho sa Britannia. Ang TUC ay naglathala na ng isang maliit na babasahin 'Your health, your safety: A guide for workers’ (“Kalusugan mo, kaligtasan mo: Isang Gabay para sa mga Manggagawa”). Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga karapatang pangkalusugan at pangkaligtasan mo sa trabaho na isinalin sa 19 na ibat-ibang wika. Nakagawa na din ang TUC ng isang maliit na babasahin para sa mga taong magtatraho sa Britannia mula sa walong bagong kasaping bansa ng European Union. Ang babasahing ito, ’Working in the UK: Your rights ”, ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga legal mong karapatan habang nagtatrabaho dito. (Tel 0870 600 4882)
Sa simula ng 2010, magkakaroon na ng bersyon ng babasahing ito para sa mga refugee na nagtatrabaho sa Britannia.
Trades Union Congress - Website sa wikang Polish para suportahan ang lumalaking bilang ng mga manggagawag Polish sa Britannia
Pinatatakbo ng TUC kasama ng Citizens Advice (Payong Pangmamamayan) at Solidarnosc, ipinapaliwanag nito ang mga karapatang aasahan ng mga manggagawa sa trabaho, kasama na ang kalusugan at kaligtasan, oras ng pagtatrabaho, ang mga nararapat na (mga) day-off at bayad kung may sakit. May impormasyon din tungkol sa mga usaping panlipunan gaya ng pagpapabahay at kalusugan at gabay para malaman kung ano talaga ang klase ng pamumuhay at pagtatrabaho sa Britanya
Ang Migrant Workers North West ay nagbibigay ng rehiyonal na sentro ng mga suportang serbisyo para sa mga migranteng manggagawa at mga komunidad nila
Maligayang Pagdating sa Birmingham - payo sa mga migranteng manggagawa, refugees at naghahanap ng asylum batay sa isang malawak na hanay ng mga usapin.