Health and Safety Executive

Karagdagang tulong sa mga manggagawa

Kung kailangan mo ng impormasyon tungkol sa ikinababahala mo sa trabaho- sahod na mas mababa sa National Minimum Wage, mahabang oras/ mga usapin sa oras ng pagtatrabaho o mga problema sa isang ahensya o gangmaster- tumawag sa Helpline para sa Sahod at Karapatan ng mga Manggagawa o Pay and Work Rights Helpline sa 0800 917 2368.

Kung nakatira sa isang inuupahang bahay na may mga kasangkapang gumagamit ng gas tulad ng kuluan o kusinilya, tungkulin ng nagpapaupa na panatilihin itong ligtas. Tingnan ang FAQ sa gas na pambahay para sa karagdagang detalye.

Kung nababahala ka sa ibang aspeto ng standard na paupahan na ibinibigay sa mga migranteng manggagawa, kontakin ang departamento ng pagpapabahay ng inyong lokal na konseho.

Kung gusto mong magreklamo tungkol sa kalagayang pangkalusugan at pangkaligtasan sa lugar ng trabaho, maaari naming kayong bigyan ng impormasyon at payo, pero maaaring kailanganing ilipat ang tawag mo sa lokal na opisina ng HSE (Pinunong Pangkalusugan at Pangkaligtasan) para makapagimbestiga pa ang mga tauhan nito. Kung nagtatrabaho ka sa isang negosyo, kung saan ang HSE (Pinunong Pangkalusugan at Pangkaligtasan) ay hindi nagpapatupad ng mga batas pangkalusugan at pangkaligtassan, gaya ng isang tindahan, opisina o karamihang bodega, ibibigay naming sa iyo sa halip ang mga detalye para makontak mo ang Autoridad na Lokal kung saan naroroon ang negosyo. Matapos ito, kailangan mong makontak ang Authority’s Environmental Health department (departamento ng Kalusugang Pangkapaligiran) para maghain ng reklamo.

Sa ilalim ng batas ng pagtatrabaho sa Britannia, may iba ka pang saligang karapatan, gaya ng kung hanggang anong oras ka dapat magtrabaho, oras ng pagtigil, oras ng pahinga at bayad na bakasyong taunan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga nakalatag na kasunduan at mga kondisyon ng trabaho, kontakin:

  • Advisory, Conciliation and Arbitration Service (ACAS) (Serbisyong Paglutas at Pagpasya) National Helpline sa 08457 474747 o mag e-mail gamit ang ACAS website
  • Ang iyong lokaL na Citizens Advice Bureau (Departamento ng Tagapagpayo sa mga Mamamayan) (tingnan sa direktoryo ng telepono)
  • Trades Union movement. Tawagan ang TUC's Know Your Rights (Pagkakaisa ng mga Industria: Alamin ang Iyong Karapatan) helpline on 0870 600 4882

Ang Department for Business Innovation and Skills (BIS) (departamento para sa bagong paraan at kasanayan sa trabaho) ay nakagawa na rin ng karagdagang gabay sa sahod at mga karapatan sa (mga) day-off sa Pagtatrabaho sa Britannia: alamin ang iyong karapatan at kung saan maaaring humingi ng tulong at payo

Sa Oktubre 2011, maglalabas din ito ng mga bagong regulasyon na magbibigay sa mga manggagawa ng ahensya ng karagdagang karapatan sa trabaho sa ilalim ng European Union’s Agency Workers Directive (Direktibo ng Pagkakaisa ng mga Manggagawang galling ahensya sa Europa). Tingnan ang Fairer Deal For Agency Workers (Mas Patas na Kasunduan para sa mga manggagawang galling ahensya) para sa karagdagang impormasyon sa mga pagbabagong pinagaaralan.

Kung may tanong ka tungkol sa natitirang permit sa trabaho o isang pangkalahatang tanong sa A8 Paraan ng Pagrehistro sa mga Manggagawa o A2 Bulgarian at Romanian permit sa trabaho / kard na pagtanggap sa mga manggagawa, kontakin ang Border and Immigration Agency (Ahensya ng Pansamantalang Paninirahan at Imigrasyon) mga Customer Contact Centre, UK Border Agency, PO Box 3468 Sheffield S3 8WA o (sa telepono 0114 207 4074)

Tingnan ang mga mahahalagang kontak para sa karagdagang impormasyon.


Directgov - Business Link

Updated: 16.09.10