Health and Safety Executive

Payo sa mga manggagawa

  • Lahat ng manggagawa ay nakakakuha ng magkakaparehong pangangalaga sa ilalim ng British health and safety law (batas pangkalusugan at pangkaligtasan ng Britannia), maging sila ay legal na nagtatrabaho dito o hindi.
  • Kailangang pangalagaan ng iyong amo ang iyong kalusugan, kaligtasan at kapakanan.
  • Bawat manggagawa ay may karapatan sa lugar ng trabaho kung saan ang panganib sa kalusugan at kaligtasan ay naisasaayos ng wasto.
  • May karapatan kang malaman kung sino ang pinaglilingkuran mo. Kung hindi mo alam, magtanong.
  • May ilang bagay kang dapat gawin sa ilalim ng batas pangkalusugan at pangkaligtasan ng Britannia.

Ano ang dapat gawin ng iyong amo

Pangkalahatan

  • Sabihin sa iyo ang anumang panganib sa iyong kalusugan at kaligtasan kaugnay ng iyong trabaho.
  • Ipakita ang katibayan na mayroon siyang Employers’ Liability Compulsory Insurance (Kinakailangang Seguro sa Pananagutan ng Amo).

Impormasyon at pagsasanay

  • Bigyan ka ng impormasyon, tagubilin at pagsasanay na kailangan mo para makapagtrabaho ng ligtas at siguruhin na naiintindihan mo ang mga ito. Hindi kailangang nasa Ingles ang mga ito.
  • Siguruhing maiintindihan mo ang anumang tandang pangkaligtasan sa lugar ng iyong trabaho.
  • Siguruhing palagi kang may makakausap na superbisor na may karanasan at nagkakaintindihan kayo.

Mga kagamitan at pananamit

  • Hindi ka papayagang magmaneho o magpaandar ng anumang makinarya hanggang hindi ka sinanay ng tama.
  • Siguruhin na anumang kagamitan na kailangan mong gamitin ay nararapat at naalagaan nang tama.
  • Kung kinakailangan, bigyan ka ng (libre) kagamitan o pananamit na pang proteksyon, na dapat ay mainit at/o hindi tatagusin ng tubig kung kailangan kang magtrabaho sa labas.

Ang iyong kapakanan

  • Siguruhing may mga sapat na pasilidad na palikuran at hugasan na maaari mong gamitin at malinis na tubig na maiinom.
  • Siguruhing maaari kang makakuha ng emergency first aid.
  • Magtala ng anumang kapahamakan, sakit o mapanganib na pangyayari at ipaabot ito sa Health and Safety Executive (HSE) (Pinunong Pangkalusugan at Pangkaligtasan).

Mga kababaihan at kabataan

  • Pag-aralan ang anumang pnganib sa mga babaeng maaari pang manganak, lalo na kung sila ay nagdadalangtao o nagpapasuso ng sanggol.
  • Pag-aralan ang mga pangangailangan ng mga manggagawang wala pang labing walong (18) taon.

Ano ang dapat mong gawin bilang manggagawa

  • Siguruhin na ang ginagawa mo sa trabaho ay hindi magdudulot ng panganib sa iyo at sa ibang tao.
  • Tulungan ang inyong pinaglilingkuran na mabawasan ang mga panganib sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho.
  • Gamitin ang anumang makinarya sa trabaho sa paraang sinanay ka.
  • Gamitin ng wasto ang anumang ibinigay sa iyo para sa iyong kalusugan at kaligtasan.
  • Ipaalam sa iyong pinaglilingkuran, (sa paraang nakasulat), kung ikaw ay nagdadalantao, nagpapasuso ng sanggol o nanganak sa loob ng huling anim (6 ) na buwan.

Ano ang gagawin kung nababahala ka sa inyong kalusugan at kaligtasan

  • Kausapin ang iyong pinaglilingkuran, namamahala o superbisor.
  • Kaausapin ang iyong kinatawang pangkaligtasan kung mayroon.

Sa ilalim ng batas ng Britannia, may mga batayang karapatan ka , gaya ng hangganan ng haba ng pagtatrabaho, oras ng pahinga at mga bayad na taunang bakasyon.

Ang HSE ay nakagawa ng isang pambulsang kard para sa mga migranteng manggagawa :

Ito ay nagbibigay ng batayan at mahalagang impormasyon tungkol sa iyong karapatan at pananagutan sa ilalaim ng UK health and safety legislation (batas pangkalusugan at pagkaligtasan ng Britannia) - ito ay inilalapat sa lahat ng industriya, hindi lamang agrikultura at pagpoproseso ng pagkain. Ito ay naisalin na sa iba’t-ibang wika.

Marami sa aming publikasyon ang naisalin na rin sa ibang wika bukod sa Ingles. Maaari itong makita o makuha sa sumusunod na link:


Directgov - Business Link

Updated: 28.09.11