Health and Safety Executive

Mga madalas itanong

Kailangan ko bang makapagsalita o makapagbasa sa Ingles para makapagtrabaho sa Britannia?

Hindi- pero magandang ideya na sumubok kang mag-aral ng mga simpleng mahahalagang salitang pangkalusugan at pangkaligtasan na maaaring gamitin ng mga tao sa paligid mo sa panahon ng emergency gaya ng "Sunog" at "Itigil".

Bagaman hindi hinihiling ng batas pangkalusugan at pangkaligtasan na makapagsalita kayo sa Ingles, ang pag-aaral ng Ingles ay nakakabawas sa hirap ng pagkakaintidihan at makakatulong sa pagkaroon ng tiwala sa sarili at sa pagiging maginhawa sa trabaho at saan man.

Makakahingi ba ako ng tulong kaugnay nga mga suliraning pangwika?

Ang kurso na English for Speakers of Other Languages (ESOL) ay naririyan kung kailangan mong mapabuti ang iyong Ingles.

May mga qualification na ginawa upang turuan ka ng angkop na Ingles na maaring kailanganin sa lugar ng trabaho, kung saan mayroon din pangkalusugan at pangkaligtasan. Maaari kang magbayad para sa isang kurso, pero kung ikaw ay nakakapagsalita, nakakabasa at nakakasulat sa Ingles, maaring maging mas madali para sa inyo na magtrabaho nang ligtas at malusog, lumapat at umasenso sa inyong trabaho at sa pang-araw-araw na buhay.

[Balik sa itaas]

Maaari ba akong singilin ng aking amo para sa pagtira o para sa anumang kagamitang personal na pangproteksyon o personal protective equipment (PPE)?

Hindi ka maaring singilin ng iyong amo o hingan ng depositong naibabalik sa simula nang iyong pagtrabaho, para sa anumang kagamitan o pananamit na pangproteksyon para manatili ang iyong kalusugan at kaligtasan sa trabaho. Ang singil para sa pagtira ay nililimitahan ng mga tuntuning nasyonal at agrikultural kaugnay ng minimum na sahod.

[Balik sa itaas]

Paano ako magrereklamo sa HSE at malalagay ba sa panganib ang aking trabaho kung gawin ko ito?

tumitingin ang HSE sa isang reklamo hindi nito inilalabas ang pangalan ng taong nagreklamo. Hindi nito sasabihin sa amo na may nagreklamo maliban kung may pahintulot ng taong nagreklamo.

[Balik sa itaas]

Maaari ba akong makakuha ng pagsasanay/impormasyong pangkalusugan at pangkaligtasan tungkol sa panganib sa trabaho mula sa aking amo?

Oo. Kailangang malaman at mataya ng iyong amo at sabihin sa iyo ang mga panganib sa iyong kalusugan at kaligtasan at sabihin sa iyo kung paano ito maiiwasan. Kailngan ding bigyan ka ng impormasyon, tagubilin at pagsasanay na kailangan mo para makapagtrabaho ka ng ligtas nang walang panganib sa iyong kalusugan.

[voltar ao topo]

Nakuha ko ang aking trabaho sa isang ahensya. May pananagutan ba sila sa aking kalusugan at kaligtasan?

Ang pananagutan sa iyong kalusugan at kaligtasan ay maaaring pagsaluhan ng ahensya at ng kompanya kung saan naroon ang iyong trabaho. Kadalasan, mas may pananagutan ang kompanyang pinagtratrabahuhan mo kaysa sa ahensya-lalo na kung ang kompanya ang nag-aayos at namamahala sa iyong trabaho. Kailangang may nakasulat na kasunduan ang ahensya at kompanya kung saan nakalahad ang kani-kanilang papel at pananagutan para masiguro ang iyong kalusugan at kaligtasan.

[Balik sa itaas]

Maaari ko bang ilipat o gamitin ang aking kwalipikasyon o kasanayan, kasama na ang aking kasanayang vocational na nakuha ko sa aking bansa habang nagtatrabaho ako sa Britannia?

Sa pangkalahatan, hindi kinikilala ng British health and safety law (batas pagkalusugan at pangkaligtasan ng Britannia) ang mga kwalipikasyon o pagsusuri ng kakayahan mula sa ibang bansa, maliban kung ito ay pormal at nasa antas nasyonal. Kung ganito, maaaring kumuha ang iyong amo ng katumbas nito, na pinagtibay ng isang may kakayahang autoridad sa Britannia, ang UK National Recognition Information Centre (UK NARIC) (Ang sentrong pangnasyonal ng Brittania na kumikilala sa impormasyong ito). Kung hindi, maaari kang sumailalim sa isang pagsusuri o muling pagsasanay, kung sa trabaho mo ay kailangan ang isang tukoy na kasanayan, (gaya ng pagmamaneho ng fork-lift truck o paggamit ng chainsaw). Ito ay sa dahilang may legal na tungkulin ang iyong amo na masiguro na may kakayahan ka sa trabaho mo.

Sa industriya ng konstruksyon, ang kard ng Construction Skills Certification Scheme (CSCS) (Maparaang Pagpapatibay ng Kasanayan sa Konstruksyon) ay kinikilala na isang paraan para magpakita ng katibayan ng kasanayan ng manggagawa. Ang organisasyong responsible sa pagtingin sa mga kakayahan at kasanayan sa industriya ay Construction Skills.

[Balik sa itaas]

Ano ang maaari kong gawin para siguruhing ang aking mga karapatan bilang manggaagawa sa trabaho ay pinapangalagaan?

Maaari mong tawagan ang Helpline para sa Sahod at Karapatan ng Manggagawa o Pay and Work Rights Helpline sa 0800 917 2368 para humingi ng lihim na tulong at paalala sa mga karapatan sa trabaho na ipinatutupad ng pamahalaan. Nagbibigay ito ng impormasyon para sa mga karapatan sa National Minimum Wage, kaaptan sa Agricultural Minimum Wage (pinakamababang sahod na maaring makuha sa antas nasyonal, Karapatan sa Pinakamababang Sahod na maaring makuha sa Industriya ng Agrikultura) at karapatang hindi magtrabaho ng higit sa 48 na oras sa isang linggo nang laban sa iyong kalooban. Maaari mo ding tawagan ang helpline para sa impormasyon tungkol sa mga karapatan sa trabaho na nababagay sa iyo kung ikaw ay binabayaran ng isang ahensya o tagapangasiwa ng pagsupply ng manggagawa (gangmaster).

Kung kailangan mong malaman ang iyong karapatan sa mga larangang ito, o iniisip mong hindi iginagalang ng iyong amo ang mga karapatang ito, tawagan ang helpline para sa payo. Ang helpline na ito ay serbisyong pinopondohan ng pamahalaan upang magbigay payo.

[Balik sa itaas]


Directgov - Business Link

Updated: 16.09.10