Ang website ng HSE para sa mga migranteng manggagawa ay dinesenyo upang mabigyan ng nararapat na impormasyon, gabay at payo ang mga manggagawa at kanilang mga amo tungkol sa kalusugan at kaligtasan ng lugar ng kanilang trabaho.
Ang Pamahalaan ay nababahala sa maaaring maganap na pag-abuso at pagsasamantala sa mga manggagawa mula sa ibang bansa. Ang HSE ay nangangako sa ikabubuti ng pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng lahat ng manggagawa, anuman ang kanilang trabaho at estado ng kanilang imigrasyon.
Ang mga pahina ng website na ito ay mismong binuo para maipaliwanag kung paano pinangangalagaan ng batas pangkalusugan at pangkaligtasan ang mga manggagawa mula sa ibang bansa. Nagbibigay din ito ng nararapat na gabay tungkol sa mga papel at pananagutan ng mga amo at ng mga manggagawa sa ilalim ng batas pangkalusugan at pangkaligtasan ng Britannia.
Lahat ng manggagawa ay nakakukuha ng parehong antas ng pangangalaga sa ilalim ng batas pangkalusugan at pangkaligtasan ng Britannia, maging sila ay karapatdapat o hindi, na magtrabaho dito. Naaangkop ito sa lahat ng mga amo, mga taong may kanilang sariling trabaho, mga negosyong pang-empleo (kasama na ang mga ahensiya at mga tagapangasiwa ng pagsupply ng manggagawa (gangmaster)at mga empleyado, maging sila ay manggagawang regular, hindi regular o may pansamantalang kontrata.- halimbawa bilang mga manggagawa ng ‘ahensya’.
Ang impormasyon sa website na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga amo at sa mga empleyado.
Ang mga manggagawa mula sa labas ng Britannia ay maaaring makaranas ng mga hindi kilalang panganib sa trabahong papasukan nila at mula sa kapaligiran at kultura ng lugar na pinagtatrabuhan nila na maaaring ibang-iba sa mga pinagmulan nilang bansa.
Para sa mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa kalusugan at kaligtasan, sundan ang mga link na nasa teksto ayon sa payo at tingnan ang mga batas na may kinalaman dito
Marami sa aming mga publikasyon ang naisalin na sa ibang mga wika bukod sa Ingles. Maaaring makita ang mga ito sa mga sumusunod na link: